Nakiisa ang Office of the City Agriculturist sa pagdaraos ng Department of Education ng kanilang “Brigada Eskwela 2023”. Ito ay sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga paksa patungkol sa urbanisadong agrikultura, partikular na sa vertical gardening at backyard fish farming, mula ika-15 hanggang ika-16 ng Agosto sa City of Bacoor National High School – Georgetown sa Molino IV at Responsive Village Leaders Learning Academy (REVILLA) High School sa Maliksi I.
Ang talakayang ito ay dinaluhan ng mga kabataan, mga guro pati na mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.