Noong Nobyembre 13, 2023, nanumpa nang tapat ang mga bagong halal na 47 Sangguniang Kabataan Chairpersons sa pangunguna ng ating mahal na alkade na si Mayor Strike B. Revilla na ginanap sa Multi-Purpose Hall.

Buong puso namang nagbigay suporta at dumalo si Vice Mayor Rowena Bautista – Mendiola kasama ang Sangguniang Panlungsod Members.
Nagbigay suporta rin si ABC President Monching Bautista at ang Outgoing SK Federation President na si Mac Raven Espiritu.
Ang programa na ito ay inorganisa ng Local Youth Development Office sa pamumuno ni Ms. Angie Cariaso.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, ay magalak kayong binabati!
Nawa’y magampanan niyo ang inyong paglilingkod nang may buong puso, pag-unawa, tapat at tiwala sa Poong Maykapal at patuloy na magbigay serbisyo at adhikain sa mga Kabataang Bacooreño.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.