Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pagbibigay ng 10 Strike-As-One Nego-Kart. Ang Project na ito ay handog ni Mayor para sa mga mobile vendors ng Bacoor. Pinamunuan ni Public Employment Services Office (PESO) Head, Dr. Abraham De Castro, na ginanap na programa kahapon, April 4, 2023, sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay sa Bacoor Government Center.
Nagbigay ng makabuluhang mensahe ang ating butihing Mayor Strike na kailangan ng mobile vendors na magsumikap, aniya, “ito ay panimula ninyo. Para magkaroon kayo ng hanapbuhay at yong kikitain niyo paikutin niyo. May konting sakripisyo sa umpisa pero pag pinagbutihan niyo kaya niyong palaguin yan”
Dumalo rin sila Atty. Jesson Labao HUDRD Head, DOLE Provincial Director Marivic B. Martinez, DILG Coordinator Ricky Martin Velasco, at DOLE staff Carl Lorenz Dizon para sumuporta sa programa.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na layong makapagbigay ng kita, hanapbuhay, at makapagsimulang muli ang mga mobile vendors ng Bacoor.
STRIKE AS ONE, ang kaagapay ng mga Bacooreño sa hanapbuhay! Dahil Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
FB: https://www.facebook.com/CityGovtBacoor/
Tiktok: https://www.tiktok.com/@citygovtbacoor
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
Youtube: https://www.youtube.com/@citygovtbacoor
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.
#CityGovtOfBacoor
#StrikeSaSerbisyo
#StrikeAsOne
#SaBacoorAtHomeKaDito