Ang mga benepisyaryo nito ay mga kabataang may edad 3 taong gulang pataas upang mabigyan ng kaukulang pagkilala sa kanilang mga karapatan at mabigyan ng pagkakataong ibahagi ang kanilang kakayahan sa iba. Layunin din ng aktibidad na sila’y mabigyan ng sapat na nutrisyon, at magbigay-saya sa bawat batang kalahok.
Nagkaroon ng iba’t-ibang palaro para sa mga bata upang maipakita ang kanilang kakayahan at diskarte. Bukod sa mga pisikal na aktibidad, nagkaroon din ng Trivia Question tungkol sa mga karapatan ng bawat kabataang BacooreƱo. Nagbigay ng Tokens o premyo para sa mga bata ang Punong Barangay ng Zapote 1 Kapitan Vivian Gawaran. Bukod sa Lugaw na hatid ng CSWDO, nagbigay din ng tinapay ang pamunuan ng Barangay Zapote 5 sa pamumuno ni Kapitan Erning De Rosas.
Suportado ng lokal na pamahalaan ng Bacoor sa pamumuno ni City Mayor Strike B Revilla ang mga gawaing ito dahil nais natin na walang batang naiiwanan sa mga program at proyekto ng lungsod.
Lubos ang ating pasasalamat sa mga kasamahan sa panglilingkod lalo na ang ating magigiting na mga Barangay Officials ng Barangay Zapote 1 sa pamumuno ni Kapitana Vivian Ramirez, Brgy. Zapote 2 Kapitana Lorinda Bautista, Barangay Zapote 3 Kapitana Adelaida Catanghal at Brgy. Zapote 5 Kapitan Erning De Rosas dahil sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga program ng CSWDO at City Government of Bacoor. Katuwang din sa pagsasagawa ng mga activities na ito ang tanggapan ng Motorpool, Strike Action Centers, Nutrition Staffs, Barangay Council and Staffs, BNS and Nutrition and Mother Volunteers.