Bacoor Stike Gymnasium – Nagpatuloy ang tagumpay ng MWELL Strike 2.0 medical mission na isinagawa kamakailan sa Strike Gymnasium. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng MWELL, kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWD), upang magbigay ng libreng serbisyo sa kalusugan sa mga residente ng Bacoor.
Sa pangunguna nina Mayor Strike B. Revilla at Maam Chaye Cabal-Revilla, naging matagumpay ang pagpapatupad ng medical mission na ito. Kasama rin sa mga bisita ang mga kinatawan mula sa MWELL, tulad nina Lorraine C. Macapagal – Head of Operations, Trisha C. Quinitio – Head of Business Development, at Dan Isidro – Marketing Specialist.
Mahigit 300 na benepisyaryo ang dumalo sa aktibidad na ito mula sa iba’t ibang barangay ng Bacoor. Kasama rin dito ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, mga non-government organizations (NGO), at ang UGNAY – isang samahan ng mga residente.
Ang medical mission ng MWELL Strike 2.0 ay naglaan ng iba’t ibang libreng serbisyo sa kalusugan. Kasama dito ang libreng check-up, pricking (blood chem), registration, at pagkuha ng vital signs. Nagkaroon din ng libreng konsultasyon sa mga doktor mula sa MWELL, at ang mga benepisyaryo ay nakatanggap rin ng libreng reseta para sa kanilang mga gamot.
Bukod sa mga nabanggit, nagkaroon din ng libreng laboratory tests tulad ng urinalysis, ultrasound, ECG, X-ray, at CBC. Layunin ng MWELL na magbigay ng komprehensibong serbisyo sa kalusugan upang matiyak ang maayos na kalusugan ng mga residente ng Bacoor.
Isa sa mga pangunahing highlight ng aktibidad na ito ay ang pagpapa-checkup ni Mayor Strike B. Revilla sa MWELL medical mission. Personal na nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Strike sa MWELL dahil sa pagbabalik ng medical mission ng MWELL sa lungsod ng Bacoor. Inaasahan na magpapatuloy ang mga medical mission ng MWELL sa buong taon ng 2024.
Ang MWELL Strike 2.0 medical mission ay isinagawa sa Strike Gymnasium, na nagbigay-daang para sa malawakang pagbibigay serbisyo sa kalusugan. Ito ay naganap noong ika-17 ng Marso, 2024.
Sa pamamagitan ng MWELL at ang suporta ng lokal na pamahalaan, patuloy na magkakaroon ng mga aktibidad na naglalayong mapalawak ang serbisyo sa kalusugan para sa mga residente ng Bacoor.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.