Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Bacoor Public Employment Services Office sa pamumuno ni Dr. Abraham “Bob” De Castro” ay muling naghandog ng YULETIDE Strike a Job Fair 2023 na ginanap sa Main Square Mall.
Hangad ng Pamahalaang Lungsod na makapagbigay tulong sa paghahanap ng trabaho, kung saan 39 companies ang nakilahok.
Binigyang halaga ang City Ordinance No. 235-2022 kung saan 90% workforce ay residente ng Bacoor ang mabigyan ng tulong.
Nasa higit 282 job applicants ang nag-apply sa araw na ito. Gayun pa man, nagbigay din naman ng assistance SSS, Phil Health, Pag-ibig, at Philsys/PSA para sa mga aplikanteng natanggap.
Magalak na ipinakita ni Mayor Strike B. Revilla ang kanyang suporta at pagmamahal sa mga Residente ng Bacoor, dumalo rin naman si Ms. Khei Sanchez (LEDIPO Head), Ms. Thess Cameros (LCR Head) , Ms. Marvic Martinez (Provincial Director of DOLE), at ni Ms. Margaret Victoria Jimenez (OFW Head Bacoor).
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.