Noong September 8, 2023 napili ang Lungsod ng Bacoor na mabigyan ng isang MEGA JOB FAIR ng Public Employment Service Office (PESO) Cavite Provincial Office para magbigay ng trabaho ang mga kabataang kabitenyo na naghahanap ng trabaho. Ginanap ang MJF Caravan sa Activity Center ng SM MOLINO.
May dalang 45 na kumpanya ang PESO Provincial kung saan target nila na mabigyan ang mga kabataang Bacooreño ng trabaho lalo na sa mga kaka-graduate lang sa kolehiyo. Katuwang ng PESO Cavite Provincial Office ang PESO Bacoor sa pangunguna ni Dr. Abraham De Castro na silang nanguna sa Mega Job Fair Caravan. Hindi naman pinalampas ni Cong. Lani M. Revilla, Acting Mayor Vice Mayor Rowena B. Mendiola, ABC Pres, Kap. Monching Bautista ang Caravan na ito dahil isa sa pangunahing pangarap ng ating mga official ang pagkakaroon ng trabaho ng bawat isang Bacooreño.
Aabot sa tatlong daang aplikante at mayroong 120 HIRED ON THE SPOT na nakapasok dahil mismong sa caravan ay pumasa sila sa interview at kwalipikadong hinahanap ng kumpanya.
Dumalo naman sa Mega Job Fair Caravan sila Ma’am Marivic Martinez – Provincil Director ng DOLE, Cavite, Tom Carlo Aedemer ng SKF President Cavite Province, Rizalie Pinpin-Enero, PESO Cavite Provincial Office, Joseph Ferrosuelo – Sm Molino, Mall Administrator, Angie Cariaso – Youth Rev, SKP Mac Raven Espiritu at si Ms. Khei Sanchez ng LEDIPO Bacoor.
Hindi lang mga kumpanya ang nasa Mega Job Fair maging ang TESDA, PHILHEALTH, PSA, at NATIONAL ID, SSS, ay nagbigay rin ng serbisyo sa mga Kabitenyong nag aplay.
Lubos naman ang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla sa PESO Cavite Provincial Office dahil sa programang makakatulong sa mga kabataang Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.