Noong January 10, 2024, ay nagkaroon ng pagkakataon na bumisita si Chief PLTCOL. John Paulo Carracedo sa tanggapan ni Mayor Strike B. Revilla. Sa naturang pagbisita, ipinakita nito ang kanilang opisyal na Magazine na naglalaman ng Bacoor PNP Annual Accomplishment Report para sa nakaraang taong 2023.
Layunin ng magazine na ito na ipabatid sa mga mamamayan ng Lungsod ang mga pangunahing tagumpay at serbisyo na naabot ng kanilang lokal na pulisya.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Strike B. Revilla sa mga nakamit ng Bacoor PNP. Binigyang-diin din niya ang kanyang buong suporta sa mga ito at inaasahan na mas pagtitibayin ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod at ang lokal na pulisya.
Sa kabuuan, ang courtesy visit na ito ay isang patunay sa determinasyon ng Lungsod na patuloy na pangalagaan ang kaligtasan at kaunlaran ng mamamayan ng Bacoor.
As We Strike As One
Dahil Sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.