Noong September 25, 2023 sa pagtutulungan ng City Health Office (CHO) at City Social Welfare and Development (CSWD), nabigyan ng tulong ang mahigit dalawang daang buntis na kasapi sa F1K. Ang programa na ito ay prayoridad ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla para matulungan at mabigyan ng tugon ang pangangailangan ng mga nagbubuntis at mga bagong panganak na kasapi sa programang F1K.
Nakatanggap ng financial assistance, Buntis Kit, Vitamins, Free Hepa B screening, Free HIV screening, Free Syphilis screening, Free Dental Exam, Free Natal Check-Ups at marami pang iba na makakatulong sa mga F1K members. Nag-lecture rin ang ilang doktor na dumalo para mabigyan ng kaalaman ang mga magulang na haharap sa mabigat na responsibilidad bilang isang ina.
Dumalo naman si Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola na parehong nagpasalamat dahil sa pagtangkilik at pag suporta sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod. Nagbigay naman ng mensahe si Cong. Lani M. Revilla para sa mga miyembro ng F1K. Nasa programa rin sila Dra. Annie Francisco ng Paranaque Ultrasound and Diagnostic Center, Ms. Cynthia Aballe ng Value Care Laboratory and Diagnostic Center, Ms. Michelle T. Jose ng Jose Torres Medical Lab Services and Diagnostic Center, Ms. Cresencia Jesalva, Ms. Minda Leonardo ng Pure Health Diagnostic Center, Ms. Cristina O. Elato, RND, MSC – Nutrition Officicer, Ms. Emilie De Castro – City Population Officer, Ms. Myrna Domingo Health Probe Diagnostic Clinic, at si Dra. Ivy Marie C. Yrastorza na nanguna rin sa programa.
Ang F1K ay programa ni Mayor Strike B. Revilla na lalong pinalalakas para makatulong sa mga kababayan nating BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor At Home ka Dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.