Noong January 22, 2024, pinangunahan ni Congresswoman Lani M. Revilla ang pamamahagi ng Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART) sa mahigit isang daan College Student na nakapasa sa CHED SMART GRANT na programa ng Commission on Higher Education (CHED).
Ang mga Grantees na 103 ay mga Batang Bacooreño na nag-aaral sa kolehiyo na tinatawag na student special dahil sa mataas na grado nila sa kanilang pinapasukan. Kaya naman talagang dumaan sa matinding screening ang kanilang dokumento bago sila nakapasa sa Ched Smart Grant.
Patuloy naman ang programa ni Congresswoman Lani M. Revilla sa mga Batang Bacooreño na ang pangarap ay makapag tapos ng pag-aaral.
Congratulations Grantees!