Matagumpay na isinagawa ng Diabetic Club noong ika-17 ng Marso ang Libreng Konsultasyon at Random Blood Sugar Test, kung saan dinaluhan ito ng mahigit kumulang 100 na mga Bacooreñong nais magpa-konsulta ng kanilang mga kalusugan.
Bukod sa libreng konsultasyon ay nagkaroon din ng panayam si Dra. Gima Anacieto, isang Diabetologist, ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng proper diet upang maiwasan ang pagkakasakit.
Para sa mga hindi nakadalo ngayong araw ay huwag kayong mag-alala sapagkat available pa rin ang serbisyong pangkalusugan na ito at ito ay gaganapin tuwing 3rd Friday of the Month, mula 7:30 AM hanggang 10:00 AM, sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay sa likod ng Bacoor City Hall.
Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang tulong ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang City Health Office sa pamumuno ni Dra. Ivy Yrastorza.
STRIKE AS ONE sa patuloy na pangangalaga ng kalusugan ng bawat Bacooreño!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.