Noong September 26, 2023, ang Bacoor City Transformation Office (BCTO) sa pangunguna ni Rev. Phil Depatillo kasama ang mga Telepayo Pastor na sina Rev. Herald Tumaneng, Ptr Benjie Pinzon Jr., Rev. Sandee Buendia, Ptra Pops Cabungcal, Rev. Phil Depatillo, Ptr Mark Cabungcal, Ptra Anna Roxas at Rev. Cesar Roxas ay bumisita sa opisina ng ating Amang Panglungsod upang magreport sa gaganapin na Launching ng programang TelePayo na binuo ni Mayor Strike Revilla upang magbigay alalay at awareness para sa mga nangangailangan ng payo lalo na ang may kinalaman sa mental health na isa sa mga malaking kinakaharap ng karamihan sa panahon ngayon.
Sinabayan na rin ng taimtim na panalangin ng grupo ang ating alkalde kasama narin ang buong Pamahalaang Lungsod ng Bacoor .
Ang programang Telepayo ay opisyal ng ilulunsad sa darating na October 1, 2023. Sa mga nagnanais makiisa sa programa ay tawagan lamang ang 161.
Layunin ng ating Lungsod na mabigyang pansin ang Mental Health para sa mga indibidwal na naghahanap ng tulong, gabay at emosyonal na suporta.
As We Strike As One sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.