Ginanap ang ikalawang LAKBAY-ARAL ng deligado ni Mayor Betty Cabal ng Hindang Leyte sa Lungsod ng Bacoor. Kasama ng mga taga Hindang Leyte ang mga kawani ng Bacoor sa pangunguna ng Ledipo, City Tourism, City Social Welfare and Development (CSWD), City Information Office (CIO), PNP, BTMD, BDRRMO at iba pang kawani para sa ligtas na pagbabantay at pag gabay sa mga bisita ng Bacoor.
Unang pinuntahan nila Mayor Betty ang Strike Fire and Rescue Village (SFRV) sa Daang Hari, Barangay Molino 4, dito ipinakita ng mga taga Bureau of Fire Protection (BFP) ang kauna-unahang Fire Rescue Village sa buong Pilipinas. Isa ang Strike Fire and Rescue Village sa mga proyekto ni Mayor Strike B. Revilla na layuning makapag bigay ng kaalaman sa mga batang bacooreño kung saan ay matututunan nila ang Basic and Safety producer para maapula ang sunog at makapag ligtas ng buhay gamit ang natutunang pamamaraan sa SFRV.
Pangalawa, ang Strike Amphitheater na sakop rin ng Barangay Molino 4, dito sinalubong ang Barangay Officials sa pangunguna ni Kap. Jeff Campana na siya rin ang nanguna kung paano ito nagawa at kung ano ang tulong nito sa mga residente ng Barangay at ng mga Bacooreno. Hindi lang ito ang ibinida ni Kap. Jeff sa mga taga Hindanfg Leyte, isa rin sa kanyang ipinakita ang kanilang Command Center kung saan sila pa lang ang barangay sa buong Bacoor ang mayroon nito. Isa ang command center sa napaka importanteng proyekto ng Brgy. Molino 4 dahil sa mabilis na aksyon na naibibigay nila kapag ito ay kakailanganin ng kanilang mga nasasakupan.
Pangatlo, Barangay Hall ng Molino 3, dito ay naghandog ng magandang pag salubong ang Barangay Officials ng Molino 3 sa pangunguna ni Kap. Jun Advincula. Ibinida ng Barangay Molino 3 ang kumpletong pasilidad na kanilang nagawa sa tulong narin ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowen a B. Mendiola, Cong. Lani M. Revilla at ng Sangguniang Panlungsod.
Pang-Apat na pinuntahan ni Mayor Betty ay ang sagot sa matagal ng kahilingan ng mga Bacooreno, ang sariling Columbarium at Crematorium sa Lungsod ng Bacoor. Ang Bacoor Columbarium ay pinangangasiwaan ng Bacoor Cemetery sa pangunguna ni Kap. Julie Quiotcho. Isa ang Columbarium sa maipagmamalaki ng Bacoor dahil hindi na kailangan pang pumunta ng ating mga kababayang Bacooreno sa labas ng Bacoor para lamang ilagak ang abo ng kanilang mahal sa buhay.
Pang-Lima, ang Girls Home sa Barangay Bayanan, na talagang tinungo ng mga official ng Hindang Leyte dahil isa ito sa mga proyektong kumakalinga sa mga batang walang tirahan.
Pang-anim, ang Revilla Training Center sa Barangay San Nicolas 2, sa pangunguna ni Ms. Carmelita Gawaran na ibinida ang magandang proyekto at programa na ibinibigay nila sa mga Bacooreno. Dito ipinakita ni Ma’am Lita ang Dress and Cutting Making, Beadworks, Floral Arrangement, Massage, Hair Cut, Bread and Pastry, at marami pang iba na maaaring gawin at pagkakitaan ng sino mang dumaraan sa training ng Revilla Center kaagapay ang TESDA. Dito rin natikman nila Mayor Betty & Vice Mayor Jun kasama ang mga deligado ang masarap na Puto-Bungbong at Cakes na gawa ng mga trainees ng Revilla Center.
Ikapito na dinaanan nila Mayor Betty ang Strike sa Serbisyo Satellite Office at OTOP Hub sa (Main Square Mall ) na kung saan ang mga National Agencies ay pinagsama-sama para sa mabilisang serbisyo sa mga Bacooreno. Ipinagmamalaki naman ni Ma’am Lita Gawaran ang OTOP HUB na pangalawang OTOP HUB sa buong probinsya ng Cavite.
Ang huling pinuntahan ng deligado ni Mayor Betty Cabal ang bagong BDRRMO Building na tunay na maipagmamalaki ng mga Bacooreno dahil sa maayos at magandang pasilidad na magiging tanggapan para sa mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga Bacooreno.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowen a B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, Cong. Lani M. Revilla, Agimat Party List-Cong. Bryan Revilla ay nagpapasalamat sa pag bisita ng mga opisyal ng Hindang Leyte sa pangunguna ni Mayor Betty Cabal at Vice Mayor Jun Cabal.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.