Sinimulan ang buwan ng pag-ibig sa isang masiglang Regular Flag Raising Ceremony sa Bacoor Strike Gymnasium ngayong araw, February 5, 2024. Ito ay pinangunahan ng Business Permit and Licensing Department (BPLD) sa pamumuno ni Mr. Christian Gawaran, kasama ang Bro-Guardian na pinamumunuan naman ni Ms. Fhe Moral.
Bilang pagbati sa mga espesyal na panauhin, nagbigay ng pambungad na pananalita si City Councilor Rey Fabian mula sa pangalawang distrito. Agad na sinundan ito ng pagkilala sa kauna-unahang Grand Winner ng King of the World Philippines 2024 na si Mr. Howell Adrian Pantollana.
Pagkatapos nito, nabigyan naman ng pagkakataon ang BPLD na ipakita ang kanilang Accomplishment Report sa pamamagitan ng Audio-Visual Presentation. Nagpakitang gilas din ang mga ito sa kanilang intermission number na talaga namang inabangan ng mga empleyado.
Buong puso ring tinanggap ang panauhing pandangal na si Dr. Maria Alegria Sibal-Limjoco – Vice President for Regional Affairs of the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), na nagbigay din ng kanyang maikling mensahe para sa lahat.
Bukod dito, nakapamahagi si Mayor Strike B. Revilla ng pitong Wheelchairs para sa mga residente na nangangailangan nito. Sinundan din ito ng isang pa-raffle para naman sa mga masisipag na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor.
At bilang pagtatapos ng seremonya, tinalakay naman ni Mayor Strike B. Revilla ang mga sumusunod na mga programa noong nakaraang linggo at ilang mga paalala:
1. National Heart Month
2. Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) for Bacooreño Couples
3. 34th Civil Registration Month – Libreng Certified Photocopy of Birth, Death, and Marriage Certificate for the month of February
4. Pagtaas ng Mayor’s Permit and Business Collection during this year’s Renewal Period
5. Kalinga sa PWD
6. Orientation on Solid Waste Management – Bacoor Junkshop Association c/o CENRO
7. 4-day Community-based Disaster Reduction and Management Training for Barangay Secretaries
8. Panunumpa ng mga bagong halal na SK Secretaries at Treasurers ng Bacoor
9. Blessing of 2-storey Multipurpose Hall – Bahayang Pag-asa Molino 5
10. 2024 Bacoor City Sports Meet
11. Calabarzon Tourism Excellence Appreciation
12. Courtesy Visit of MUPH Candidate Ms. Victoria Vincent
Maraming salamat po.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.