Noong August 03, 2023, naganap na ang kasunduan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng Pamahalaang Bayan ng San Luis, Batangas kung saan nakapaloob sa artikulo III, seksyon 33 ng kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 na nagtatakda na ang mga Yunit ng lokal na Pamahalaan ay maaring gumawa ng Ordinansa para pagsama-samahin o pag-ugnayin ang mga serbisyo, programa, at proyekto na maaaring makatulong sa kanilang mga nasasakupan.
Layunin ng Lungsod ng Bacoor na magtatag ng ugnayan sa Munisipalidad ng San Luis, Lalawigan ng Batangas kung saan ang mga lokal na Pamahalaan ay maaring magkaroon ng magandang plano o ideya para sa Agham, Teknolohiya, Kultura at Sining, Turismo at pagpapaunlad ng Komersyo, Industriya, Agrikultura, Edukasyon at Kalusugan na makatutulong sa mga Bacooreño at Luiseño.
Sa ngayon ang ugnayan ng Lungsod ng Bacoor at Bayan ng San Luis, Batangas ay mas magiging matatag dahil hindi lamang pagkakaibigan ang nabuo kundi magandang samahan na layong magtulungan para sa ikauunlad at ikaaayos ng bawat isa.
Sa mensahe ni Mayor Oscarlito M. Hernandez ng San Luis, lubos ang kanyang pasasalamat sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa mainit na pagtanggap ng mga Bacooreño.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla, nagpasalamat rin ito kay Mayor Oscarlito M. Hernandez at sa mga opisyal ng San Luis dahil napili nila ang Lungsod ng Bacoor para maging kanilang kapatid para sa isang magandang samahan tungo sa magandang serbisyo ng bawat isa.
Dumalo sa seremonya ng pagpirma sila Vice Mayor Ma-an M. De Gracia ( Municipality Vice Mayor), Konsehala Aisa Marithia R. Ocampo, Konsehala Marjorie M. De Castro, Konsehal Edgardo Pagkaliwagan, Konsehala Amabelle M. Williams, Konsehal Reynato H. Patolot, Konsehala Aileen R. Ocampo, Mr. Rinkoh Hernandez (Municipal Agriculturist), Atty. Paul Michael Sangalang, Department & Unit Heads, at Sangguniang Panlungsod Members.
Sa huli, parehong tinanggap ng Lungsod ng Bacoor at Bayan ng San Luis ang kanilang tanda ng pagpapahalaga.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.