Bilang pagbibigay oportunidad sa mga kabataan na maipakita at mapalawak ang kanilang talento, kasanayan, at pagkamalikhain sa larangan ng sining at teknolohiya, nagsagawa ang Bacoor Computer Center ng 3-Day Basic Graphic Design Workshop para sa mga kabataan na may edad 12-17 years old.
Kabilang sa 25 na mapalad na participants si Skyler Fajardo na siyam na taong gulang pa lamang. Ito ay dahil nakitaan na agad siya ng potensyal sa larangan ng graphic design.
Sa pamamagitan ng workshop na ito, nabigyan sila ng pagkakataong matuto gamit ang mga software tools gaya ng Photoshop at Canva.
Bukod dito, ang mga participants ay opisyal nang magiging bahagi ng The Clubhouse Network Bacoor International Organization, isa sa dalawa lamang na organizations dito sa Pilipinas.
Ang workshop ay nagsimula noong August 1, 2023, at nakatakdang matapos ngayong araw, August 3.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.