Namahagi ng maagang Pamasko kamakailan sa Bacoor Strike Gymnasium para sa mga mahal nating senior citizen sa lungsod. Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa ilalim ni Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola, layunin ng event na ito na ipakita ang malasakit at pagmamahal sa mga nakatatandang mamamayan ng Bacoor.
Dumalo sa nasabing okasyon si Mayor Strike B. Revilla, na personal na nagbigay ng suporta at pagmamahal sa mga senior citizen. Kasama rin nila ang CSWD Head na si Ms. Liliane Ugalde, at ang OSCA Head na si Atty. Venus De Castro. Nagbigay rin ng kanilang suporta sina Kap. Caridad Sanchez at Kap. Randy Francisco, kasama ang kanilang mga konsehal mula sa Barangay Sinbanali at Barangay Poblacion.
Mahigit 2,000 senior citizen ang dumalo sa event na ito na nagmula sa dalawang barangay, ang Barangay Sinbanali at Barangay Poblacion. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga senior citizen na makisaya sa mga palaro at sayawan na handog ng Pamahalaang Lungsod.
Layunin ng pagdiriwang na ito na magbigay ng kaligayahan at pagmamahal sa mga senior citizen ng Bacoor. Bilang bahagi ng pamaskong handog, nagkaroon rin ng raffle draw kung saan nagbigay ng tig-500 at tig-1000 piso si Mayor Strike B. Revilla sa mga nagwagi.
Ang nasabing pagdiriwang ay idinaos noong ika-9 ng Disyembre 2023 sa Bacoor Strike Gymnasium. Ito ay nagpamalas ng pagkakaisa at malasakit ng buong komunidad para sa ating mga minamahal na senior citizen.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.