Malinis na kapaligiran para sa kapakanan ng bawat mamamayan! Nakibahagi ang Bacoor City sa International Coastal Cleanup kung saan nakilahok ang tinatatayang 700 na BacooreƱos sa paglilinis ng Barangay Sineguelasan bilang nangungunang barangay, kasabay na rin ang paglilinis ng komunidad sa iba pang mga barangay sa lungsod. Ito’y bilang preperasyon na rin sa anumang sakuna at natural disaster na dala ng maruming kapaligiran kabilang na ang di-wastong paglilikom ng basura. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng masisipag na kawani ng CENRO sa pamumuno ni Rolando Vocalan.
Sa patuloy na pagdiriwang ng Bakood Festival, nais siguraduhin ni Mayor Strike B. Revilla na mapanatili ang kalinisan ng buong lungsod at mas maging responsable ang bawat BacooreƱo sa pangangalaga sa ating kapaligiran.