Noong Setyembre 27, 2024 ang TEAM REVILLA katuwang ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga batang Bacooreño na nag-aaral sa kolehiyo. Ang mga nakapasok sa ISIP Program ay dumaan sa interview na pinangunahan ng tanggapan ni Congresswoman Lani M. Revilla.
Nasa 5,000 na estudyante mula sa ibat-ibang school na accredited ng CHED ang nakatanggap ng cash incentives. Dahil ito sa programa ng CHED na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kapos nating mga kababayan na nag-aaral sa kolehiyo.
Nagpa-raffle rin si Cong. Lani M. Revilla and Senator Ramon Bong Revilla Jr. ng Laptop na may kasamang printer. Ito ay karagdagang tulong sa mga kabataang Bacooreño na maswerteng nabunot sa raffle.
Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair naman sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez ay nagbigay rin ng 5kilo na bigas sa limang libong estudyante na dumalo sa ISIP PROGRAM.
Nagpapasalamat naman ang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members sa tulong na ibinigay ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga batang Bacooreño na nag-aaral sa kolehiyo.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.