Lubos na kasiyahan at taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng buong pamayanan ng Revilla High School, Barangay Maliksi 1, sa Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, matapos ang makasaysayang Inauguration at Ceremonial Blessing ng proyektong Solar Powered Water Station with Filtration System noong nakaraang Biyernes, ika-1 ng Disyembre, 2023.
Ang seremonya na ito ay naglalayong ipagdiwang ang mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng mas malinis at regular na suplay ng tubig para sa mga residente ng nasabing komunidad.
Naging posible ang lahat ng ito sa pagtutulungan nina Congresswoman Lani Mercado Revilla kasama ang mga matataas na opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor, sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, gayundin ang mga kinatawan ng sektor ng edukasyon, sa pangunguna ni OIC – Schools Division Superintendent Dr. Babylyn Pambid, at mga lokal na pinuno ng barangay, sa pangunguna naman ni Barangay Captain Louie Roland Ugalde.
Buong puso ring nagpapasalamat ang mga ito sa mga naging katuwang ng proyekto na sina Senator Bong Revilla Jr., Agimat Partylist Representative Cong. Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla Bautista, House of Representatives, House Speaker Martin Romualdez, gayundin sa Department of Public Works and Highways (DPWH).