Binigyang pugay ng Lungsod ng Bacoor ang ika-124 na taong Kalayaan ng Pilipinas ngayong umaga sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado Revilla.
Nag-alay ng bulaklak sa Bantayog ng Labanan sa Tulay ng Zapote sina Dr. Editha Atendido, Dr. Lerma Flandez, at Dr. Nereus Malinis ng Kagawaran ng Edukasyon; Nieves dela Cruz ng Asosasyon ng mg Barangay Kagawad; Reynaldo Palabrica ng Liga ng mga Barangay; Ram Revilla, Edwin Malvar at Edralin Gawaran ng Sangguniang Panlungsod at Panlalawigan; Loren Legarda ng Tanggapan ng Kinatawan ng Lalawigan ng Antique; at Mayor Lani Mercado Revilla.
Ginanap din ang paghawi ng tabing ng mural sa City of Bacoor Riverwalk at Bike Lane, at ang pagpapasinaya ng ikalawang bahagi ng City of Bacoor Riverwalk at Bike Lane.