Noong April 3, 2024 dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla kasama sila Vice Mayor Rowena B. Mendiola at ng Sangguniang Panlungsod Members ang Ground Breaking ng Central Slaughterhouse na itatayo sa Barangay Molino 1, City of Bacoor, Cavite.
Ang proyektong ito ay matagal nang pangarap ng Pamahalaang Lungsod para matiyak na ang mga binibentang karne sa palengke at ibang pamilihan sa Bacoor ay malinis at ligtas kainin.
Ang Triple T Animal Support Activities Inc., National Meat Inspection Service, DENR, DPWH ang naging katuwang ng Pamahalaang Lungsod para matupad ang pangarap na Slaughterhouse sa Lungsod ng Bacoor.
Pinasalamatan naman ni Mayor Strike B. Revilla sila Mr. Raymond Tagle, Mrs. Teresa Tagle ang may siya ari ng Triple T Animal Support Activities Inc. dahil sila ang naging katuwang ng pamahalaang Lungsod para maitayo ang Slaughterhouse na magsisilbing tanggapan para mas maging maayos ang mga karneng ipinapasok sa ating Lungsod.
Dumalo rin sa programa si Dir. Randy Lontoc ang NMIS Regional Technical & Slaughterhouse Accreditation Director Region IV-A na siya ring nag bigay ng minsahe kung ano ang kahalagahan ng Slaughterhouse sa isang bayan o Lungsod.
Naging saksi rin si Kap. Jeo Dumingue, Former ABC Pres. Monching Bautista, Kap. Michael Saquitan at ibang mga Barangay Kagawad, Home Owners Association, NGO sa matagumpay na groundbreaking.
Sa huli, pinaalala ni Mayor Strike B. Revilla ang mga ordinansa ng Lungsod na makakatulong sa bawat isang BacooreƱo.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.