Ito ay sa pangunguna ng DepEd Bacoor City top management sa pamumuno ni Dr. Editha M. Atendido, ang Schools Division Superintendent.
Ang mga dumalo sa nasabing event ay mga selected school partners and stakeholders, representatives ng LGU at government agencies, members ng non-government organization, private companies, individual private partners, Barangay Chairpersons ng
73 Barangays sa Bacoor City, School Heads at Adopt-a-School Program (ASP) Coordinators ng 43 schools sa Bacoor.
Ang main objective ng event na ito ay para i-report ang accomplishment ng division at ang matagumpay na partnership sa mga stakeholders.
Ayon kay Dr.Atendido malaki ang bahagi ng stakeholders sa mga proyektong pang edukasyon ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng suporta at serbisyo para sa kapakanan ng bawat mag-aaral na Bacooreño.
Pinarangalan ang mga stakeholders para sa kanilang achievements at best practices sa matagumpay na partisipasyon sa implementasyon ng mga programang pang edukasyon.
Kasama sa pinarangalan kanina, na nagbigay din ng makahulugang mensahe ay ang butihing mayor, Hon. Strike B. Revilla na walang sawang sumusuporta sa mga adhikain
at proyekto ng DepEd.