Sa flag raising ceremony kaninang umaga, inilahad ng City Social Welfare and Development Office ang kanilang mga proyekto kaugnay ng National Children’s Month (NCM). Sang-ayon sa temang “Sama-samang Itaguyod Ang Karapatan ng Bawat Bata sa Panahon ng Pandemya,” magsasagawa ang CSWD ng feeding programs para sa kabataan sa iba’t ibang barangay ng ating lungsod. Namahagi din kaninang umaga si Mayor Lani Mercado ng financial assistance para sa mga pamilyang taga-Miyape, Zapote 5 na ngayo’y nakatira na sa Naic, Cavite.
Maaasahan ninyong patuloy ang paglilingkod ng pamahalaang lungsod sa Bacooreño sa gitna ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan.