Bilang bahagi ng mga hakbang ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mapanatili at mapalaganap ang digitalisasyon at kaalaman sa teknolohiya sa Region IV-A, partikular na sa Lungsod ng Bacoor, nagsagawa ito ng General Virtual Assistance Training Program para sa 30 na iskolar mula sa District 1 at 2 na nagnanais maging propesyonal na Virtual Assistants.
Pinasinayaan ang programang ito sa pamamagitan ng isinagawang Orientation Day kahapon, October 24, 2023, sa ABC Hall, Bacoor Government Center, sa pangunguna ng mga espesyal na panauhin mula sa DICT sa pangunguna ni DIR. Cheryl Ortega – Regional Director of Regions IV-A and IV-B, kasama sina Engr. Melan Mamalateo – DICT Provincial Head of Cavite, Mr. John Philip Tan at Mr. John Patrick Hernandez- DICT Project Development Officers, at Mr. Dennis Paguio – DICT Resource Person.
Buo naman ang suporta na ipinakita rito ng iba’t-ibang mga kawani ng gobyerno, kabilang na rito sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, City Councilor and Committee Chairman on ICT Rogelio “Bok” Nolasco, E-Governance Department Head Mr. Lodgene Asuncion, OIC of LEDIPO Ms. Khei Sanchez, at OIC of CLDO Mr. Eugene Elalto.
Ang General Virtual Assistance Training Program na ito ay isasagawa sa loob ng 11 na araw, mula October 23 hanggang November 27. Sa panahon na ito, matututuhan ng mga iskolar ang mga praktikal na mga kaalaman at kasanayan nang harap-harapan.
Pagkatapos ng masusing pagsasanay na ito, ang mga iskolar ay magsasagawa naman ng 7 Days Online Campaign mula November 28 hanggang December 4 upang gamitin ang kanilang mga natutuhan at ipakita ang kanilang mga bagong kasanayan, na siguradong makatutulong sa mga ahensya, negosyo, at iba pang sektor na nangangailangan ng virtual assistance.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.