Hindi pinalampas ng City Health Office sa pangunguna ni Dr. Ivy Marie Yrastorza ang selebrasyon ng World Diabetes Day kaya naman nagsagawa ang City Health Office (CHO) ng Free Random Blood Sugar at Lectures para sa mga empleyado at mga BacooreƱong nakiisa sa programa.
Nasa 120 ang sumailalim sa ramdom blood sugar at pinangunahan naman ito nina Dra. Gima Ancieto (Diabetologist) at Dra. Judiren Orobia (Nutritionist) ang pagbibigay kaalaman kung paano nagkakaroon ng Diabetes ang isang tao at kung paano ito maiiwasan. Ginanap ang programa sa lobby ng Bacoor Government Center (BGC).
Dinaluhan naman nila Councilor Engr. Levy Tela at Councilor Rey Palabrica ang random blood sugar at isa rin sila sa mga nasuri.
Patuloy naman na sinusuportahan ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members ang mga programa patungkol sa kalusugan ng mga Bacooreno.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.