Sinimulan ang pangalawang linggo ng Oktubre 2023 sa isang masaganang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng City Cooperative and Development Office (CCDO) sa pamumuno ni Ms. Vicky Lazaro kasama ang Bacoor City Employee Multipurpose Cooperative (BACEMCO) sa pamumuno naman ni Mr. Joey Baron.
Bilang panimula, nagbigay ng pambungad na pananalita si City Councilor Robert “Obet” Advincula na sinundan ng pagkilala sa mga panauhing ginawaran ng iba’t-ibang mga parangal. Isa na rito ang tinaguriang Bacooreño Inventor na si Engr. Jeremey De Leon sa kanyang kamangha-manghang imbensyon na Keychain-sized Makerscope, kung saan siya ay nakatanggap ng James Dyson National Award 2023.
Sinundan ito ng pagbibigay ng Certificate of Recognition sa Bacoor City Social Welfare and Development Office bilang SFP Good Implementer for the SY. 2020-2021. Bukod dito, sila rin ay nakatanggap ng Seal Of Child-Friendly Local Governance.
Binigyang pagkilala rin ang mga nagwagi sa 2023 COOP Quiz Bee na sina Janah Gwyneth Vera R. Dawal na hinirang bilang Champion, 1st Runner-up naman si Allydiah Marrie M. Makilan, at 2nd Runner-up si Kirsten Ellisse Z. De Jesus.
Nagbigay naman ng mensahe ang panauhing pandangal na si R.D Salvador V. Valeroso, ang Regional Director ng Cooperative Development Authority Region IV-A sa pamamagitan ng isang Audio-Visual Presentation.
Panghuli, nagbalik-tanaw si Mayor Strike B. Revilla sa kanyang mensahe ukol sa mga kaganapan na isinagawa noong nakaraang linggo, at narito ang ilan sa mga ito:
– Ang paglulunsad ng Strike As One, TELEPAYO.
– Pagsasagawa ng Seminar na pinamagatang “Making Sustainable Business Reachable for Senior Citizen”
– Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Guro noong Miyerkules.
– Ang pagsasagawa ng Mass Baptism sa St. Michael’s Church
– Ang pagsasagawa ng Joint Meeting ng City Peace and Order Council at City Anti-Drug Abuse Council.
As We Strike, As One!
Dito Sa Bacoor, At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.