Noong January 29, 2024 pinangunahan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang regular flag raising ceremony na ginanap sa lobby ng Bacoor Government Center (BGC).
Pinamunuan ni Pator Ray Montoya ang isang panalangin para ang bagong Linggo ay mas maging maayos at mas maging kapaki-pakinabang sa ating mga Bacooreño.
Ang City Cemetery at City Transformation Office ang naging host na talaga namang nagpakita ng kahusayan sa serbisyo, patunay na ang kanilang accomplishment report sa nagdaang taon ay naibigay sa mga Bacooreñong nangangailangan.
Sa huli ang Ate ng Lungsod na si Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang nagdeliver ng mensahe ni Mayor Strike B. Revilla na punong-puno ng kaganapan sa mga nangyari noong isang Linggo. Maraming programa at proyekto ang ginawa ng ating Mayor tulad nalamang ng pagbibigay ng pinansyal na tulong at pagpapagawa ng mga proyektong gusali sa ibat-ibang Barangay sa Lungsod ng Bacoor.
Patuloy parin ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod para matugunan ang pangangailangan ng mga Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.