Ginanap ang “ARBOR DAY’ sa ilalim ng Ordinansa ng Lungsod CO No. 027-2015 series of 2015, kung saan patuloy na pinangangalagaan at isinasaayos ng City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), ang mga lugar sa Lungsod ng Bacoor tulad na lamang ng maipagmamalaking Mangrove Trees na matatagpuan sa Barangay Sineguelasan, City of Bacoor, Cavite.
Ang programa ay pinangunahan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Coun. Engr. Levy Tela, Coun. Alde Pagulayan, Coun. Simplicio Dominguez at ang Head ng CENRO Mr. Rolando Vocalan.
Binasa naman ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola ang mensaheng iniwan ni Mayor Strike B. Revilla na hinihikayat ang lahat ng Bacooreño na pangalagaan ang ating mahal na Lungsod.
Gayunpaman, sa mensahe ni Coun. Engr. levy Tela ang kahalagahan sa pag-tatanim at pangangalaga sa kalikasan ang kanyang binigyang diin dahil isa ito sa pinaka importanteng bagay na dapat gawin para hindi masira ang ating kalikasan.
Sa huli nagsama-sama ang mga Kawani ng Lungsod, NGOs, Private Sectors at mga estudyante mula sa St. Dominic College of Asia para itanim ang INDIAN TREES sa Bacoor Government Center-Compound, NEDRA TREES sa Bacoor Blvrd, at MANGROVE TREES sa Mangrove Area sa Barangay Sineguelasan.
Ginagawa ito taon-taon para malabanan ang Climate Change na nararanasan natin ngayon.
Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Sangguniang Panlungsod Members, ang mga Bacooreño na huwag hayaang masira ang ating kalikasan dahil maari natin itong maging pamana sa mga susunod pang henerasyon.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.