Noong nakaraang October 14, 2023, pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla at Cong. Lani M. Revilla ang blessing ng bagong Multipurpose Hall, Covered Court sa Barangay Ligas 1. Ang proyektong ito ay matagal ng hinihintay ng mga residente ng Ligas 1 na ngayon ay binigyang tuldok na ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor katuwang ang opisina ni Cong. Lani M. Revilla, Agimat PartyList Cong. Bryan Revilla, Board Member Ram Revilla, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa mensahe ni Mayor Strike B. Revilla binigyan diin nito ang mga programa at proyekto na patuloy na ginagawa ng Pamahalaang Lungsod para sa tuloy-tuloy na serbisyo sa mga BacooreƱo. Sa mensahe naman ni Cong. Lani M. Revilla ibinahagi nito ang tulong na ibinibigay ng Souther Tagalog Regional Hospital kung saan mas tinututukan ng opisina ni Cong. Lani ang mga pasilidad na maaring makatulong sa mga BacooreƱong may sakit.
Sinaksihan naman ng mga residente ng Ligas 1 ang bagong covered court na ngayon ay maari nang pag laruan at pagdausan ng mga pagpupulong.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.