Noong October 18, 2023, isang matagumpay na proyekto ang natapos ng Sangguniang Barangay ng Molino 2 na dinaluhan ni Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena B. Mendiola, Councilor Alde Pagulayan, Councilor Simplicio Dominguez at ibang opisyales ng Barangay.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pagbabasbas sa bagong Day Care Center na magagamit ng mga kabataang nasa 4 hanggang 5 taong gulang. Pangangasiwaan naman ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang pangangalaga sa bagong tahanan ng mga batang mag-aaral.
Ang Strike Day Care Center ay matagal ng pangarap ng mga taga Rambles Villa Esperanza, kung saan ang proyektong ito ay sinuportahan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla katuwang ang Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola.
Kasabay ng Blessing ang panunumpa sa katungkulan ng mga Vendors ng Villa Esperanza at Ramblers Neighborhood Association.
Dumalo naman ang 51 Day Care Students kasama ang kanilang mga magulang, gayun din ang mga opisyal ng Vendors at opisyal ng Ramblers Neighborhood na ngayon ay magiging katuwang na ng Barangay.
Sa mensahe naman ni Mayor Strike B. Revilla ibinahagi niya ang kalahagahan ng Barangay Merging para mas marami pa ang magawa ng isang Barangay sa kanilang nasasakupan. Muli rin ipinaalala ng alkalde ang paparating na Barangay & Sangguniang Kabataan Election na sana maging maayos at matiwasay ang eleksyon.
Patuloy naman ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor para makatulong sa mga kababayan nating Bacooreño.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito