Binisita ni Mayor Lani Mercado Revilla ang Resources Education Vocational Instruction Livelihood Learning Academic Center kung saan napatunayan niya ang kasipagan at kamalikhain ng mga Bacooreño. Nakipagdaupang palad siya sa mga mag-aaral ng iba’t ibang kurso at siya ay natuwa sa kanilang layong pagyamanin ang kanilang kaalaman para sa ikagaganda ng kanilang kabuhayan. Nagsagawa rin si Mayor Lani ng inspeksyon sa ongoing improvements na ginagawa sa center.

#LoveMyBacoor
#AlagangAteLani