Noong July 23, 2023, ipinaramdam ng Barangay Panapaan 5 at Barangay Panapaan 6 ang suporta ng kanilang mga residente sa Pulong-pulong na ginanap sa Bacoor Strike Gym.
Pinangunahan ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola katuwang ang Sangguniang Panlungsod Members ang pagpapaliwanag kung gaano kahalaga ang Barangay Merging kapag pinag sama ang dalawang Barangay.
Ipinaliwanag rin ni Atty. Jastine Dela Cruz – Comelec Officer ang mga hakbang kung paano bumoto sa araw ng Plebisito sa July 29, 2023.
Mahigit sa walong daang (800) residente sa dalawang Barangay ang dumalo sa Barangay Panapaan 5 at Panapaan 6, kung saan pati ang kanilang mga kapitan na sila Kapitan Jorwin B. Bautista at Kapitana Glory Jasmin F. Daria ay nagpahayag rin ng suporta sa magaganap na Plebisito sa July 29, 2023.
Patuloy parin ang suporta ng Pamahalaang Lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Jonvic Remulla at ni Vice Governor Athena Tolentino sa Plebisito sa Lungsod ng Bacoor.
Ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla ay patuloy na ikakampanya ang ordinansang ito para sa mas maunlad at maayos na Bacoor, katuwang ang Sangguniang Panlungsod na magiging isang kasaysayan sa Lalawigan ng Cavite.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor At Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.