YES! ang naging sigaw ng ating minamahal na mga Bacooreño para sa pagsasama-sama ng mga barangay dito sa ating lungsod. Ito ang naging resulta ng isinagawang Plebisito noong July 29, 2023.
Ang inyong pagboto ng YES! ay nagpapakita ng tunay na pagkakaisa at pagmamalasakit para sa mas maunlad na Bacoor.
Sa ngalan ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga namuno upang maging maayos at matagumpay ang Bacoor Plebiscite 2023.
Kasama na dito sina Deputy Executive for Operation Rafael B. Olazo, Chief of Police PNP Bacoor PltCol. Jesson Bombasi, Atty. Mitzele Morales-Castro, Provincial Election Supervisor IV-Cavite Atty. Margaret Joyce M. Reyes – Cortez, Assistant Regional Election Director Atty. Jastine Marie B. Dela Cruz, Chairman of Comelec – Bacoor, Johnny N. Umpong, Vice Chairman of Comelec – Bacoor Dr. Babylyn M. Pambid, Secretary of Comelec – Bacoor Atty. Monalisa C. Mamukid, Regional Election Director – CALABARZON Teopisto E. Elnas Jr., Executive Director Nelson J. Celis, Commissioner Aimee P. Ferolino, Commissioner in Charge Plebiscite Hon. George Erwin M. Garcia, Chairman of COMELEC Socotto B. Inting, at Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda Jr.,
Higit sa lahat, lubos pong nagpapasalamat si Mayor Strike B. Revilla at ang lahat ng bumubuo ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa lahat ng mga residente na nagtiwala at sumuporta sa kanyang adhikain na maging isa ang maliliit na mga barangay sa lungsod upang maging daan sa mas marami pang serbisyo para sa mga Bacooreño.
YES NA YES TO BARANGAY MERGING! AS WE STRIKE AS ONE, DAHIL DITO SA BACOOR, AT HOME KA DITO!