Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang isa sa makasaysayang groundbreaking ceremony kahapon November 20, 2023 na ginanap sa Brgy. Zapote 1 na isa sa Tahanang Handog para sa Pamilyang Bacooreño: Pabahay para sa Pilipino Housing Program (4PH).
Ang proyekto na ito ay itatayo sa Barangay Zapote 1 na may fifteen–storey mid–rise residential development na binubuo ng 14,686 square meters at 1,890 residential units.
Sa proyekto na ito katuwang ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa pagpaplano at paggawa upang makamit ang maayos, mapayapa at sustenableng komunidad.
“This project marks the beginning of a new chapter for Bacoor City. We’re not only building homes; we’re building a community that embodies peace, inclusivity, and empowerment.” saad ni Mayor Strike B. Revilla
Kaya naman taos pusong nagpapasalamat si Mayor Strike B. Revilla kasama si Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola sa walang sawang suporta na ibinigay nina Hon. Jose Rizalino L. Acuzar – Secretary, DHSUD, USEC. Avelino Tolentino III, Cong. Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla at ng mga Sangguniang Panglunsod Members.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.