Sa kabila ng pabugsu-bugsong ulan, napuno ng ilang libong mga Bacooreño ang NOMO Parking Lot noong April 14, 2023, sa ginanap na Ate Lani Free Pa-Birthday Concert featuring December Avenue, Sunkissed Lola, at Ate Gay, kung saan halo-halong kilig, tuwa, at sakit ang naramdaman ng bawat isa sa mga kantang handog ng mga ito.

Naki-jamming din si Congresswoman Lani Mercado-Revilla sa kantang “Kung Di Rin Lang Ikaw” kasabay ang December Avenue kung saan sa kalagitnaan ng pag-awit ay sinorpresa siya ng kanyang kabiyak na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Dinaluhan din ito ng kanilang anak na si Congressman Jolo Revilla kasama ang kanyang asawa na si Ma’am Angelica Revilla at anak na si Gab Revilla gayundin si Ma’am Gianna Revilla-Patricio at kanyang asawa na si Sir Jed Patricio.

Full support din ang ilang mga konsehal na sina Councilor Karen Sarino Evaristo at Councilor Alde Pagulayan.

#HappyBirthdayAteLani
#AlagangAteLani
#LoveMyBacoor