Nagbigay ng tulong pinansyal ang ating butihing Mayor Strike B. Revilla kasama si Senator Imee Marcos sa mga Bacooreño na benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) noong May 18, 2023, sa Strike Gymnasium.
Pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD), katuwang ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Region 4-A, ang programa na kung saan nagpakita ng suporta sina Vice Mayor Rowena Bautista Mediola, PBLMP-President Ram Revilla Bautista, ang bumubuo ng Sangguniang Panglungsod ng Bacoor, Department of Agriculture Asec. Kristine Y. Evanglista, DTI Asec. Dominick Tolentino Jr., PBGEN. Gregory B. Bogñalbal, at PLTCOL. Ruther D. Saquilayan.
Ang pondo na ipinamahagi ay mula kay Senator Imee Marcos at ipinangako nito na patuloy niyang susuportahan ang Bacoor.
Sa huli, namigay ang butihing senadora ng Nutribun sa mga bata kasama ang City Officials ng Bacoor.
We Strike As One!
Dito sa Bacoor At Home Ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.