Noong April 6, 2024 pinangunahan ni Cong. Lani M. Revilla ang isang Alagang Ate Lani Medical Mission na ginanap sa Barangay Molino 2, Covered Court.
Mayroong limang daang (500) nagpa-general Check Up, kwarentang (40) nagpa-dental, at mayroong apat naraang (400) nakatanggap ng Eye Glasses na galing sa Elementary, Junior High at Senior High na nag-aaral sa Public Schools.
Ang Medical Mission na ito ay parte sa selebrasyon sa nalalapit na kaarawan ni Congresswoman Lani M. Revilla.
Naging katuwang ng office of the Congresswoman ang NQ CLINIC sa pangunguna ni Arh. Gil Quiling.
Ang Medical Mission ay may Libreng Gamot, Vital Signs, Pediatric Check-Up, General Check-up para sa mga matatanda, Dental Check-Up at Laboratory.
Nagkaroon din ng libreng Siopao, Lugaw, Taho at Ice Cream na pinilahan ng mga Bacooreño.
Sa minsahe ni Cong. Lani M. Revilla binigyan diin nito ang mga batas na kanilang ginawa na ngayon ay mapapakinabangan na ng mga Pilipino. Isa narito ang EXPANDED CENTENARIAN LAW, TEACHING ALLOWANCE na batas na ngayon, NO PERMIT NO EXAM at dagdag pa nito ang libreng bakuna Anti Pertusis.
Dumalo naman ang mga opisyal ng Barangay Molino 2 sa pangunguna ni Kap. Mike Saquitan at iba pang mga miyembro nito sa NGO at HOA.
Patuloy ang selebrasyon sa kaarawan ni Cong. Lani M. Revilla kaya naman marami pa tayong aabangan!