Nagtungo ang Alagang Ate Lani Caravan sa Mambog Elementary School upang mamahagi ng serbisyong pampubliko sa ating mga kabarangay. Maliban sa medical mission, nagkaroon din ng feeding program, libreng gupit, at libreng masahe. Inasikaso din ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ang processing ng ID para sa ating senior citizens at PWD. Naroon si Mayor Lani Mercado Revilla upang kamustahin ang ating mga kababayan.