Nitong nakaraang March 12, muling nagsagawa ng AICS distribution para sa mga mamamayan ng Bacoor na ginanap sa Strike Gymnasium.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng tanggapan ng alkalde, kasama ang opisina nina Sen. Bong Revilla Jr., Agimat Partylist, at Congresswoman Lani Mercado Revilla. Ito ay dinaluhan naman nina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at Cong. Bryan Revilla. Kasama rin sa AICS distribution ang mga konsehal bayan na sina Councilor Alde Pagulayan, Councilor Rey Fabian, Councilor Karen Sarino-Evaristo, Councilor Rey Palabrica, Councilor Simplicio Dominguez, Councilor Obet Advincula at LNB Vice Pres. Kap. Randy Francisco.
Bumisita rin ang mga kapitan ng Barangay Molino 1 at Barangay Molino 6 na sina Kap. Jeo Dominguez at Kap. Ronald Javier, kasama ang kanilang mga constituents.
Maliban sa pamamahagi ng tulong pinansyal, nagsagawa ang BDRRMO ng seminar hinggil sa Disaster Preparedness and Response, habang ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay nagbahagi ng mga kagamitang may kaugnayan sa Fire Safety Tips.
Bukod dito, bilang pagpupugay sa buwan ng kababaihan, isinama rin sa mga aktibidad ang pagdiriwang ng Women’s Month. Ibinahagi rin ang kalulunsad lamang na Paleng-QR PH at ang One Ticketing System ng BTMD katuwang ang LTO. Bilang isang pagpapakita ng pagkakaisa at saya, nagkaroon din ng mga kantahan at sayawan na hatid naman ng CICRD Band.
Upang mas maiapabot ang kanilang mga pasasalamat sa nasasakupan, nagpadala rin ng mensahe sa pamamagitan ng video ang mga kinatawan tulad nina Sen. Bong Revilla Jr. at Kongresista Lani Mercado Revilla.
Hindi rin maitatangging isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng lungsod ang pagsasabatas ng Revilla Law, na naglalayong mabigyan ng pinansyal na tulong na nagkakahalagang P10,000 ang mga senior citizens lalo na ang mga nasa edad 80, 85, 90, 95 hanggang 100.
Ang AICS Distribution ay hindi lamang pagbibigay ng tulong pinansyal, kundi paghahatid din ng mga impormasyong mapapakinabangan ng mga Bacooreño.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
STRIKETV Facebook Page
STRIKETV Youtube account
Maraming salamat po.