Ang Department of Agriculture-PhilRice (DA-PhilRice) katuwang ang tanggapan ng City Agriculture Office at Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ay muling nagtulong-tulong upang maipamahagi ang 99 sako ng binhi ng palay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program.
Ang mga rehistradong magsasaka na magtatanim ngayong darating na tag-ulan ay nakatanggap ng libre at dekalidad na binhi. Layunin ng nasabing programa na tulungan na mas maging mahusay at produktibo ang magsasaka upang patuloy na maitaas ang kanilang ani at kita.