BACOOR CITY – Isang 92 taong gulang na artist mula sa Kawit, Cavite ang naghandog ng kanyang obra maestra na painting ng dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Marcos kay Mayor Strike B. Revilla. Ito po ay naganap ngayong araw ika-11 ng Marso, 2024.
Si nanay Refenita Pasco Cayetano Lazam, ang 92 taong gulang na artist. Kasama rin nya ang kanyang anak na lalaki na si Zaldy Lazam, at ang laging kasama na si Marites Javinal.
Ang layunin ng pagtitipon na ito ay upang ihandog kay Mayor Strike B. Revilla ang 49 taon na painting ni nanay Refenita na naglalarawan sa dating Pangulong Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Marcos. Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng nasabing painting, ipinapakita ni nanay Refenita ang kanyang pagkilala at paghanga kay Mayor Strike B. Revilla.
Ang nasabing event ay idinaos sa Office of The Mayor bilang pagkilala sa kontribusyon ni nanay Refenita sa larangan ng sining. Ito rin ay isang pagpapahalaga sa kasaysayan at mga lider na naglingkod sa bansa. Ang paghandog ng painting ni nanay Refenita ay isang simbolo ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa kultura at sining ng Pilipinas.
Sa huli, nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Strike B. Revilla kay nanay Refenita sa kanyang paghandog ng painting. Ipinahayag rin niya ang kanyang pagkilala sa talento at dedikasyon ni nanay Refenita sa sining. Ang nasabing painting ay magiging bahagi ng koleksyon ng Office of The Mayor bilang pagpapahalaga sa likas na yaman ng sining ng mga Pilipino.
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.