Noong nakaraang araw, isa sa inabangan ng Pamahalaang Lungsod ang pagdating ng ibat-ibang delegado mula sa ibat-ibang Lungsod at Munisipalidad na kinatawan ng Local Civil Registrar na kasapi sa Cavite Association of Civil Registrars. Ang Bacoor Local Civil Registrar (LCR) sa pangunguna ni Ms. Ma. Theresa M. Cameros ang silang nanguna para sa napaka halagang pagpupulong na kanilang ginagawa para paghandaan ang papasok na bagong taon.
Isinabay narin sa conference ang Year-end Party kung saan may pa-raffle at games sa lahat ng dumalo.
Nagbigay naman ng mensahe si Mayor Strike B. Revilla at pinasalamatan din ang bumubuo ng Local Civil Registrar office (LCR) sa kanilang dedikasyon para paglingkuran ang mga Bacooreno/Caviteno.
Sa huli, nagbigay rin ng mensahe ang panauhing pandangal nasi Atty. Liza Lorelie S. Levard-Cruz -Pangulo ng CCR Carmona.
Ang Cavite Association of Civil Registrars ay patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa mga Bacoorenong nanganagilangan pag dating sa kanilang pagkakilanlan, kasal at Iba pa.
As We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.