Noong Nobyembre 07, 2023, ipinagpatuloy ang selebrasyon ng ika-31 National Children’s Month sa Bacoor Strike Gymnasium kung saan dinaluhan ng mahigit dalawang libong daycare student na galing sa ibat-ibang Daycare Center sa Lungsod ng Bacoor.
Pinangunahan ni Mayor Strike B. Revilla ang pagbibigay ng mensahe sa mga bata at magulang patungkol sa mga programa at proyekto na ginawa ng Pamahalaang Lungsod para makatulong hindi lang sa kabataan maging sa lahat ng Bacooreñong nangangailangan ng tulong. Ibinahagi rin ni Mayor Strike ang Curfew at Liquor Ban na patuloy na ipinapatupad sa Lungsod ng Bacoor.
Ang programang ito na may Temang “HEALTHY, NOURISHED, SHELTERED : Ensuring the right to Life for All” ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWD) para lalong mas matutukan ang mga kabataang Bacooreño pag dating sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Patuloy naman ang programa at proyekto ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla at ng Sangguniang Panlungsod Members sa pangunguna ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola para makatulong sa mga kabataang Bacooreño.
As we strike as One, Dahil sa Bacoor at Home ka Dito!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.