Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa pagdiriwang ng ika-31 National Children’s Month ngayong taon 2023, ginanap kahapon, November 6, ang isang masaya at makulay na selebrasyon kung saan nasa mahigit dalawang libong mga daycare students ang dumalo rito.
Dito ay binigyang aliw ang mga bata sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga aktibidad gaya na lamang ng Film Showing at Magic Show. Sinurpresa rin sila ng Mascot na si “JJ” mula sa sikat na Nursery Songs na “Cocomelon”.
Ang programa na ito na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All” ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Ms. Liliane De Roxas Ugalde.
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.