Matapos ang ilang linggong pagsasanay sa Virtual Assistance (VA) na naglalayong mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan, tagumpay na nakapagtapos ang 31 mag-aaral mula sa Bacoor Computer at Tech4Ed Center noong nakaraang Miyerkules, ika-6 ng Disyembre.
Sa kanilang araw ng pagtatapos, ipinagkaloob sa kanila ang sertipiko at medalya bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa nasabing pagsasanay. Ito ay pinangunahan ni Ms. Michelle San Gabriel — Bacoor Computer Center Supervisor, at Mr. Lodgene Asuncion — Head of E-Governance.
Buo naman ang suporta na ibinigay ni Mayor Strike B. Revilla sa mga ito, gayundin nina Congresswoman Lani Mercado-Revilla, Regional Director of Region IV-A Ms. Cheryl Ortega, City Councilor Rogelio “Bok” Nolasco, OIC DICT Provincial Head Engr. Kenneth A. Benedicto, DICT Provincial Office Facilitator Mr. John Philip Tan, DICT Digital Jobs PH Resource Person Mr. Dennis Paguio, Director IV-A Digital Jobs Focal Person Mr. John Hernandez, Head of LEDIPO Ms. Khei Sanchez at Head of CLDO Atty. Aimee Torrefranca-Neri
Please like and follow our official social media accounts:
Instagram: https://www.instagram.com/citygovtbacoor/
StrikeAsOne Viber Community: https://invite.viber.com/…
Maraming salamat po.