Nakipag pulong si Mayor Strike B. Revilla kay Rep. Cong. Eric Martinez kasama ang Department of Transportation (DOTr) para pag-upan ang proyektong gagawin ng (DOTr) na 19KM Bike Lane sa Lungsod ng Bacoor.
Ang Proposed Active Transport Expansion in Bacoor, Cavite ay masusing pinag aaralan para sa mas maayos at magandang operation ng proyekto.
Ang sakop ng Bike Lane ay magmumula sa Aguinaldo Highway na may 6.56km, Bacoor Boulevard na may 7.1km, NoMo Avenue na may 3.77km, at babalik sa Aguinaldo Highway na may 1.62Km. Ito ay may kabuuhang haba ng 19.00 Km coverage of Bike Lane Network Expansion. Ang proyektong ito ay mayroong Bike Shed, 5 Bike Racks, at 1 Repair Station.
Nais ni Mayor Strike B. Revilla na mas mapakinabangan ng mga Bacooreño ang proyektong ito dahil malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa mga siklista kundi ay malaking kabawasan rin ito sa polusyon.
Kasama sa pagpupulong sila City Admin Atty. Aimee Neri, Atty. Paul Sangalang, Kinatawan ng DOTr. at ilang kawani ng Lungsod.
Target ng Department of Transportation sa tulong ni Cong. Eric Martinez, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor na matapos ang proyekto ito ngayong taon.
Bike Lane para sa mga Bacooreño… YES TAYO!
Please like and follow our official social media accounts:
Maraming salamat po.