Ngayong araw ay isinagawa ang unang araw ng unang batch ng Bacoor Youth Leadership Seminar (BYLS) 2019 sa Bulwagan ng Liga ng mga Barangay alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Pinangunahan ng ating katangi tanging ina ng Lungsod ng Bacoor, Mayor Lani Mercado Revilla, sa pamamagitan ng ating Local Youth Development Office (LYDO), Sangguniang Kabataan (SK) Federation at pakikipagtulungan sa Dugong Alay, Dugtong Buhay Foundation.

Nagpapasalamat po kami sa mga dumalo at nakiisang student officers ng CvSU Bacoor, ISHRM, Statefields College, St. Dominic College of Asia at ang mga SSG Presidents and Vice Presidents ng ating mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Nakakatuwa po na marinig ang testimonya ng ating mga kabataan na dumalo sa kanilang mga natutunan at nahasang galing.

Tunay po na kapag tayo ay may malinis na hangarin, makabuluhang mga gawain at pangarap ay magtutuloy tuloy at mapagiibayong lalo ang progreso at pagunlad ng ating syudad at kanya kanyang komunidad. Kabataan ang pagasa ng bayan kaya dapat natin silang hasain at payamanin ang kaalaman at katauhan.

#AlagangAteLani
#1Team1Love1Bacoor
#Str1keSaSerbisyo
#KabataangBacooreño
#ParaSaBagongBacoor