Naging tuloy-tuloy at walang tigil ang inisyatibang ito dahil sa ating mga masisipag na social workers, volunteers, at barangay officials.
Sa tinatayang 529,690 indibidwal na benepisyaryo, nasa 443,974 individuals na ang validated o 83.8% of the total number of beneficiaries. As of May 11, 2021, mayroon na pong 380,867 na indibidwal ang nabigyan ng tulong pinansiyal. Ang lungsod ng Bacoor ay 72% accomplished!
Umabot naman sa 380 million, 867 thousand pesos o 72% ng kabuuang halaga na ang naipamahagi.
Ating palakpakan ang ating CSWD at mga kawani nito, sa mga volunteers na walang kapaguran sa pagbibigay serbisyo para sa kapakanan ng lahat. Ang Bacoor ay on track, walang tigil at tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda.