“I require excellence, and loyalty — but not to me. Maging loyal tayo sa ating lungsod, dahil kahit sino pa man ang mga nakaupo, isa ang hindi magbabago… na Bacooreño tayo.” ito ang binitawang salita ni Mayor Strike B. Revilla sa unang araw ng Formulation of Executive-Legislative Agenda na ginanap sa Lafaayette Luxury Suites, Baguio City.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola at lahat ng mga department at unit heads ng City Government of Bacoor.
Inihain ni Mayor Strike and kanyang mga plano at mithiin para sa susunod na tatlong taon niyang pamumuno. Binalikan din ng butihing mayor ang mga accomplishment nia nun una niang pamunuan ang lungsod.
Nagkaroon ng paghahati-hati ng grupo upang talakayin ang 5TRIKE PROGRAMS: Kabuhayan, Kalusugan, Kaalaman, Karapatan at Kaayusan. Ito ang panukala ni Mayor strike na from womb to tomb upang maramdaman ng mga Bacooreño na kaagapay nila ang pamahalaang lungsod sa bawat aspeto ng kanilang buhay.
Magkakaroon din ng STRIKE SA SERBISYO Program kung saan naglalayong ibaba sa mga barangay ang Action Center kung saan maaring makahingi ng tulong medical, financial at burial. Palalawigin ang mga serbisyong at ginagarantiya ang pantay na pag-access sa kalidad at abot-kayang mga produkto at serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
Tinalakay din ang mga problema at solusyon sa trapiko, infrastructure, peace and order at ekonomiya sa lungsod.
Nagiwan din siya ng makabuluhang mensahe para sa mga department at unit head na nagpapaalala na magtulungan para sa ikauunlad ng Bacoor.
“I want everyone to work as a team, not just in words. Kailangan nating magtulungan. One department, one unit’s failure is our failure as a whole.” – Mayor Strike B. Revilla